Kapihan sa Barangay, muling isinagawa sa Bato, Catanduanes

0
viber_image_2025-10-15_15-35-34-526

Bilang bahagi ng PNP Focused Agenda para sa Bagong Pilipinas, matagumpay na isinagawa ang “Kapihan sa Barangay” ngayong 8:00 ng umaga, Oktubre 14, 2025, sa Barangay Binanuahan, Bato, Catanduanes, sa ilalim ng proyektong “Kape asin Patara-tara, Timpla para sa Masa.”

Dinaluhan ang naturang aktibidad nina PMAJ LESTER V QUILILAN, Chief of Police ng Bato Municipal Police Station; PMSg Angie P Timbal, WCPD PNCO; PSSg Renen P De los Reyes, MCAD PNCO; PCpl Neil B Tesorero, Investigator PNCO; at mga tauhan ng Catanduanes Police Provincial Office na pinangunahan ni PLTCOL LOWELL M ATIENZA, Chief of the Provincial Community Affairs and Development Unit, na siyang nagbigay-diin sa kahalagahan ng tuloy-tuloy na ugnayan at pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa mga pamahalaang barangay upang maisulong ang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas.

Kasama rin sa aktibidad si Punong Barangay Fernando T. Mendoza, na pinangunahan ang aktibong pakikiisa ng kanyang mga kagawad at opisyal ng barangay bilang suporta sa programang pang-komunidad.

Ang “Kapihan sa Barangay” ay isang bukas na dayalogo na layuning palakasin ang ugnayan ng kapulisan at ng pamahalaang barangay, at mas mapalapit ang serbisyo ng PNP sa mga lokal na opisyal sa pamamagitan ng pagtatalakay ng mga isyu at pagbibigay ng impormasyon.

Tinalakay sa aktibidad ang mga mahahalagang usapin ukol sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa barangay.

Hinikayat din ng PNP ang mga opisyal na palakasin ang koordinasyon sa kapulisan sa pagresolba ng mga suliranin sa kanilang nasasakupan, lalo na sa pagresponde sa kriminalidad, ilegal na droga, at sakuna.

Samantala, nagbahagi rin si PMSg Timbal ng mga paalala at impormasyon kaugnay sa mandato ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Bato MPS, habang ang WCPD ng Catanduanes Police Provincial Office ay nagbigay din ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga isyung may kinalaman sa karahasan laban sa kababaihan at kabataan. Ibinahagi nila ang mga mekanismong maaaring lapitan ng mga biktima at ang kahalagahan ng maagap at maayos na pag-uulat sa mga awtoridad.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si PMAJ QUILILAN sa mga opisyal ng Barangay Binanuahan sa kanilang aktibong partisipasyon at suporta sa mga programa ng kapulisan. Aniya, ang ganitong aktibidad ay patunay ng matatag na kooperasyon sa pagitan ng PNP at pamahalaang lokal tungo sa mas ligtas at maayos na pamayanan.

Sa pagpapatupad ng PNP Focused Agenda para sa Bagong Pilipinas, patuloy na pinagtitibay ng Bato PNP ang Active Community Support bilang haligi ng tunay na serbisyo publiko. Sa pamamagitan ng mga inisyatibong gaya ng Kapihan sa Barangay, isinusulong ng Bato MPS ang mas bukas at makabuluhang ugnayan sa mga opisyal ng barangay—isang kongkretong pagpapakita ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” tungo sa mas ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.

Source: Bato Pnp Catanduanes Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *