Information Drive, isinagawa sa ZamboNorte

0
564572912_803898852516670_7101897423716834995_n

Isinagawa ang information drive sa Barangay Situbo, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte nito lamangika-14 ng Oktubre 2025.

Pinangunahan ng 97th Infantry Battalion, Philippine Army katuwang ang 901st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 9 sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Jubail S Grar, Company Commander at sa pakikiisa ng Sergio Osmeña Municipal Police Station na pinamunuan ni Police Captain Larry E. Tumanda ang nasabing aktibidad.

Naisagawa ang information drive bilang bahagi ng pagpapatupad ng matatag na presensya ng pulisya lalo na sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapalakas ang kamalayan ng mga mamamayan at mahikayat ang bawat indibidwal na makibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaligtasan, at kahandaan sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *