Advocacy Support Group at PNP, pinagtitibay ang seguridad sa Cagayan
Pinapaigting ng Advocacy Support Group at PNP ang pagbabantay sa seguridad sa bayan ng Enrile, Cagayan nitong Oktubre 15, 2025.
Nagsagawa ang Barangay Based Group at kapulisan ng Enrile Police Station ng patrolling activity sa Barangay Lemu Norte ng nabanggit na bayan upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan dito.
Layon din ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng Advocacy Support Groups at kapulisan upang makamit ang mas maayos na koordinasyon at agarang pagtugon sa pangangailangan ng publiko.
Nagpapatuloy ang ganitong inisyatiba bilang suporta sa layunin ng Bagong Pilipinas na maghatid ng mabilis, tapat, at epektibong serbisyo publiko.
Source: Enrile Police Station