Majayjay PNP, nakilahok sa Barangay Assembly at nagsagawa ng Lecture sa Ilayang Bayucain
Bilang bahagi ng pagpapaigting ng presensya ng kapulisan sa komunidad, ang mga tauhan ng Majayjay Municipal Police Station ay nakiisa sa isinagawang Barangay Assembly kasabay ng kanilang isinagawang lecture na ginanap sa Brgy. Ilayang Bayucain, Majayjay, Laguna nito lamang ika-15 ng Oktubre 2025.
Aktibong nilahukan ng mamamayan mula sa naturang lugar ang isinagawang lecture na may layuning mapalakas ang kaalaman ng mga mamamayan sa iba’t ibang usapin ukol sa kaligtasan at kaayusan.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang Executive Order No. 70 na may kaugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kampanya laban sa ilegal na droga, at mga paalala upang makaiwas sa krimen tulad ng panggagahasa at pagnanakaw.
Patuloy ang suporta ng Majayjay MPS sa mga inisyatibo ng komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.