Symposium Activity, ginanap sa San Fernando Cebu
Ang San Fernando Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ MICHAEL C. GINGOYON, Chief of Police, ay nagsagawa ng Anti-Drug at Anti-Criminality Symposium para sa mga kabataan, opisyal ng barangay, at mga residente ng Barangay Lantawan, San Fernando, Cebu, noong ika-20 ng Oktubre 2025.
Layunin ng naturang aktibidad na mapalawak ang kamalayan ng publiko tungkol sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot at ang kahalagahan ng pag-iwas sa anumang uri ng kriminalidad.
Sa pamamagitan ng nasabing symposium, hinikayat ng kapulisan ang mga kabataan na umiwas sa paggamit ng ilegal na droga at sa halip ay magpokus sa edukasyon at pagiging mabuting mamamayan.
Sa pamamagitan ng mga edukasyonal na programa, layon ng PNP na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng pulis at mamamayan upang sama-samang labanan ang droga at kriminalidad.