Gift-giving Activity, inilunsad sa Haven for Women & Girls sa Albay
Screenshot
Nakatanggap ng mga regalo ang mga residente mula sa Haven for Women & Girls mula sa Brgy. Nasisi, Ligao City, Albay kamakailan lamang mula sa mga awtoridad sa lalawigan ng Albay kamakailan lamang.
Bahagi ang aktibidad sa month-long celebration ng National Women’s Month sa lalawigan, na pinangunahan ng Albay Police Provincial Office sa pangunguna ni PLTCOL LEA B SUPELANA, Deputy Provincial Director for Administration.
Naging katuwang ng grupo sa nasabing inisyatibo ang mga miyembro ng Kiwanis Cagsawa Gems, Kiwanis Club of New Dynamic Builders, Philippine Institute of Civil Engineers Albay-Legazpi Chapter, Cagsawa Lady Eagles Club, PNP Retirement and Benefits Administration Unit 5, GLAPPS driving school, AMWSLAI, NBI Legazpi, HandsOff Advertising, Cornelia Montessouri Philippine International School at ng iba pag mga partner organizations sa Albay.
Lubos namang nagpasalamat si Ms Mikee Villamor, Social Worker mula sa Haven for Women & Girls, sa patuloy na suporta ng grupo kasama ang iba pang mga sponsor sa kanilang insititusyon.
Aniya, napakahalaga ng naihatid na tulong mula sa nasabing grupo sa mga residente nila partikular na sa emotional at psychological na aspeto na magpapaalala sa mga residente na sila ay nakikita, pinapahalagahan at higit sa lahat suportado ng komunidad.