2nd Palawan PMFC at Rotary Club of Roxas, nagkaloob ng wheelchair sa PWD sa ilalim ng ‘Gulong ng Pag-asa’ program

0
viber_image_2026-03-23_12-23-26-438

Isinagawa ng 2nd Palawan PMFC, katuwang ang Rotary Club of Roxas, ang isang makabuluhang gawaing sa pamamagitan ng pagbibigay ng wheelchair sa isang nangangailangang residente ng Barangay Bucana, El Nido, Palawan bilang bahagi ng kanilang best practice program na “Gulong ng Pag-asa.”
Ang benepisyaryo ay kinilalang si Ginang Hilda Castillo Mosico, 52 taong gulang, isang solo parent at miyembro ng Persons with Disability (PWD). Siya ay kasalukuyang dumaranas ng mga karamdaman tulad ng stroke at polio na labis na nakaapekto sa kanyang kakayahang kumilos at magsagawa ng pang-araw-araw na gawain.
Ang ipinagkaloob na wheelchair ay malaking tulong upang mapagaan ang kanyang kalagayan at mapabuti ang kanyang mobilidad bilang isang PWD.
Ang programang “Gulong ng Pag-asa” ay naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga indibidwal na may kapansanan o may malubhang karamdaman, bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa serbisyong makatao at malasakit sa komunidad.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng 2nd Palawan PMFC sa Rotary Club of Roxas sa kanilang walang sawang suporta sa mga ganitong uri ng programa na tunay na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa mga nangangailangan.
Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng kapulisan sa pagbibigay hindi lamang ng seguridad kundi pati na rin ng malasakit at tulong sa mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Source: 2nd Palawan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *