1st PAGPTD Fun Bike for a Cause, matagumpay na isinagawa sa QPPO

0
viber_image_2026-05-18_15-01-57-085

Matagumpay na isinagawa ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), katuwang ang Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD), ang 1st PAGPTD Fun Bike for a Cause na may temang “Ikot ng Gulong, Ikot ng Tulong” nito lamang ika-16 ng Mayo, 2026.

Aktibong nakiisa ang mga opisyal at tauhan ng QPPO, kasama ang iba’t ibang bike enthusiasts, cycling groups, at stakeholders mula sa lalawigan ng Quirino.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng adbokasiya ng QPPO at PAGPTD na makalikom ng pondo para sa pagpapabuti ng water system ng kampo ng QPPO, upang matiyak ang mas maayos at sapat na suplay ng tubig para sa mga personnel at tanggapan ng kapulisan, kasabay ng pagtataguyod ng malusog at aktibong pamumuhay.

Layunin ng programa na higit pang patatagin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng mga inisyatibang may diwa ng malasakit, aktibong pakikilahok, at pagtutulungan, habang isinusulong ang mga proyektong tumutugon sa pangangailangan ng organisasyon at ng mga tauhan nito. Ito ay bahagi ng adbokasiya ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas tungo sa mas ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Source: Quirino PPO Valley Cops

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *