Ronda Gigmoto Team, pinangunahan ang Outreach Program sa Barangay Biong, Gigmoto
Matagumpay na isinagawa nito lamang umaga ng May 13, 2026, ang isang outreach program sa Biong Elementary School na pinangunahan ng Ronda Gigmoto Team, katuwang ang mga tauhan ng Gigmoto PNP sa pangunguna ni PLT ELISEO L. VILLAR JR., Officer-in-Charge (OIC).
Ang nasabing aktibidad ay kinapalooban ng gift-giving ng mga school bags at feeding program para sa mga mag-aaral, na naglalayong magbigay ng suporta sa kanilang pag-aaral, kalusugan, at pang-araw-araw na pangangailangan.

Naghatid ito ng kasiyahan, inspirasyon, at positibong karanasan sa mga estudyante, guro, at mga magulang na dumalo.
Aktibong nakiisa rin sa programa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Krimen (KKK) at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), na tumulong sa maayos na pamamahagi ng mga kagamitan at pagpapanatili ng kaayusan sa buong aktibidad.
Ang kanilang partisipasyon ay nagpapakita ng matatag na ugnayan at pagkakaisa ng komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at kapayapaan. Sa pamamagitan ng naturang outreach program, higit pang napagtibay ang magandang samahan ng kapulisan, kabataan, barangay volunteers, at mamamayan.
Patuloy na hinihikayat ng himpilan ang aktibong pakikipagtulungan ng bawat sektor upang maisulong ang mga programang may layuning magbigay ng serbisyo at tulong sa komunidad, lalo na sa mga kabataan.
Kasabay nito, isinulong din nila ang kampanya laban sa ilegal na droga (RA 9165) at kontra terorismo para sa pangmatagalang kapayapaan at tiyak na kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan.