PAGTPD, patuloy ang suporta sa CPPO sa pagpapalakas ng serbisyo publiko

0
viber_image_2026-05-18_15-01-53-730

Matagumpay na pinangunahan ni PCOL Abubakar Udang Mangelen Jr., PAGPTD, Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office (CPPO), ang Fellowship Dinner kasama ang mga miyembro ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) noong Mayo 14, 2026 sa Kabalikat Multi-Purpose Hall.

Itinampok sa nasabing aktibidad ang matatag na suporta at pakikipagtulungan ng PAGPTD sa Cebu PPO sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa police transformation, community engagement, at organizational development.

Nagsilbi rin itong pagkakataon upang higit pang mapalakas ang samahan at pagkakaisa tungo sa mas epektibong serbisyo publiko.

Bago isinagawa ang fellowship dinner, personal na binisita at ininspeksyon ni PCOL Mangelen kasama ang mga miyembro ng PAGPTD ang kasalukuyang paghahanda at pagkuha ng gym facility sa loob ng kampo ng CPPO.

Layunin ng proyektong ito na maisulong ang kalusugan, wellness, at physical fitness ng mga personnel ng kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *