BPATs at BADAC members, lumahok sa 2-day training para sa mas pinalakas na kapayapaan at anti-drug campaign sa Tuguegarao City
Matagumpay na isinagawa ng Tuguegarao Component City Police Station (TCCPS) ang 2-Day BPATs Barangay Peacekeeping Action Team at BADAC Barangay Anti-Drug Abuse Council Training noong Mayo 19-20, 2026 na ginanap sa Tuguegarao City, Cagayan.
Pinangunahan ang aktibidad nina PLtCol Garry A. Matagay, Acting Chief of Police ng Tuguegarao Component City Police Station, katuwang ang Cagayan Police Provincial Office sa pamumuno ni PColMardito G. Anguluan, Provincial Director.
Aktibong dumalo at nakilahok ang mga Barangay Captains, BPOC Officers, Barangay Secretaries, Lupon Tagapamayapa Representatives, Chief Tanods, at iba pang barangay personnel mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Tinalakay sa pagsasanay ang mga mahahalagang paksa tulad ng tungkulin at limitasyon ng BPATs, citizen’s arrest at lawful procedures, anti-drug awareness, situational awareness, first aid and CPR, crowd control, at counterfeit detection. Ibinahagi rin ng mga resource speakers ang mga kaalaman ukol sa RA 9262, Revised Penal Code, wastong legal na proseso sa barangay, at tamang paghawak ng mga alitan sa komunidad upang mas mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok sa aktuwal na sitwasyon.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kapasidad ng mga barangay personnel bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad, at higit pang isulong ang isang ligtas, maayos, mapayapa, at drug-free na pamayanan.
Source: Tuguegarao CCPS