KKDAT Vintar, nanguna sa clean-up drive sa Bislak River

0
viber_image_2026-05-21_14-39-33-751

Nanguna ang KKDAT Vintar Chapter sa isinagawang clean-up drive ngayong araw, Mayo 21, 2026, sa Bislak River o mas kilala bilang Umok ni Siwawer River Resort bilang tugon sa lumalalang problema sa mga basurang iniiwan ng mga turista ngayong tag-init.

Naging isa sa mga pinakapopular na destinasyon sa bayan ang naturang resort ngayong summer season. Gayunman, kasabay ng pagdagsa ng mga turista ay ang pagdami rin ng mga basurang naiwan sa paligid ng ilog na nagdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan.

Sa pakikipagtulungan ng Vintar Municipal Police Station at mga opisyal ng Brgy. 10 Parparoroc, matagumpay na naisagawa ang clean-up drive upang mapanatiling malinis at maayos ang lugar.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, hinikayat ng KKDAT Vintar ang publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura at makiisa sa pangangalaga sa kalikasan.

Patuloy naman ang panawagan ng mga organisador sa lahat ng bumibisita sa mga pasyalan na tumulong sa pagpapanatiling malinis at luntian ng bayan ng Vintar para sa susunod pang henerasyon.

Source: KKDAT Vintar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *