Tree Planting Activity, isinagawa sa Paracelis Mt. Province

0
viber_image_2026-05-23_10-03-42-651

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Municipal Tourism Office ng Paracelis Local Government Unit sa Sitio Simmacbot, barangay Anonat, Paracelis, Mt. Province, noong Mayo 20, 2026.

Katuwang sa aktibidad at aktibong nakiisa ang mga tauhan ng 1st Maneuver Platoon ng 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company, Paracelis Municipal Police Station, BFP Paracelis, Brgy. Local Government Unit ng Anonat, at Office of Municipal Tourism and Cultural Affairs.

Ang mga nasabing grupo ay matagumpay na nakapagtanim ng 80 na punla ng Dau, Narra, at ba pang namumungang puno sa nasabing lugar.

 Itoy ay kaugnay sa Revitalized-Pulis sa Barangay na naglalayong panatilihin ang kaayusan, pangangalaga sa kalikasan, pagpapa-unlad sa turismo, at pagpapalawak sa kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating likas na yaman, at bahagi din sa paghahanda ng Search for the Best Tourism Villages-Cordillera Administrative Region.

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang nakatutok sa pangangalaga ng kalikasan, kundi nagpapakita rin ng pagtutulungan ng mga awtoridad, kabataan, at komunidad upang magtaguyod ng isang malinis at ligtas na kapaligiran.

Source: PNP Mountain Province Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *