Kapihan sa Barangay Palawig, matagumpay na isinagawa

0
viber_image_2026-05-26_13-10-27-883

San Andres, Catanduanes – Matagumpay na isinagawa nitong ika-24 ng Mayo, 2026 ang Kapihan sa Amenia Beach Resort na pinangunahan ni PMAJ FRANCIS T TABO I, Chief of Police sa Barangay Palawig, San Andres, Catanduanes.

Kasama sa aktibidad si Hon. Jenor L. Sollegue, Municipal Councilor, isa sa mga katulong ng PNP San Andres sa paglulunsad ng mga programa sa bayan.

Dahil dito naisakatuparan ang pagbibigay ng mga Reflective Visibility Vest para sa mga Barangay Tanods na gagamitin habang nagsasagawa ng kanilang tungkulin. Pinangunahan naman ni PMAJ FRANCIS T TABO I, COP, ang pagpapakita kung paano ito wastong isuot at gamitin.

Ito ay epektibo dahil madali silang makilala at malapitan , lalo na sa pagsasagawa ng pagpapatrolya sa araw man o gabi.

Naroon din ang mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Hon. Allan A. Solo kasama ang SK Chairperson na si Hon. Eloisa Jean V. Solo, at mga miyembro ng BPATS.

Natalakay sa aktibidad ang iba’t ibang isyu tulad ng pagpapatupad ng mga ordinansa. Napag-usapan din na natanggal na ang halos 90 porsiyento ng mga basurang bote na ilang taon nang naka-stocks sa nasabing barangay bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa komunidad.

Tinalakay rin ni PMSg Maricel B Masagca, WCPD PNCO, ang ilang mahahalagang hakbang lalo na ang mga kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) at ang mga pang-aabuso. Binigyang-diin ng grupo ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng pamilya, barangay, at komunidad upang mapanatili ang kaligtasan ng kababaihan at kabataan.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad at mapag-usapan ang mga hakbang upang matugunan ang mga suliranin sa nasabing barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *