BADAC at BPOC, nagsagawa ng quarterly meeting at MOU signing sa La Union

0
viber_image_2026-05-26_13-10-22-703

Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Mayo 25, 2026, ang 2nd Quarterly Meeting ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) kasama ang mga miyembro ng konseho at mga residente ng Barangay Guinaburan, Balaoan, La Union.

Pinangunahan ang aktibidad ni Punong Barangay Hon. Eddie C. Bucasas bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kampanya laban sa kriminalidad, ilegal na droga, at iba pang banta sa kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang paksa kabilang ang Crime Prevention Tips, masamang epekto ng ilegal na droga, mga umiiral na municipal ordinances, pagkilala at pagkontra sa insurgency, Responsible Parenthood at mga hamon sa pagiging magulang, gayundin ang mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at kabataan.

Nagkaroon din ng MOU Signing bilang simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng barangay para sa pagpapanatili ng ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng barangay sa aktibong partisipasyon ng mga residente at hinikayat ang lahat na patuloy na makiisa sa mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa kanilang komunidad.

Panulat ni IlocanoAk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *