SPAG at Toledo PNP, nanguna sa mapayapang Eid al-Adha Islamic Lecture
Matagumpay na nagsagawa ng Islamic Lecture ang Salaam Police Advocacy Group (SPAG)-Region 7 katuwang ang Toledo City Police Station, One Dawah Foundation Inc. (ODFI) Cebu, at mga lider ng Muslim community matapos ang Eid al-Adha Congregational Prayer noong Mayo 27, 2026 sa Masjid Araheem, Dumlog, Toledo City.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang pananampalataya ng Muslim community at magbigay ng kaalaman tungkol sa Islam sa mga non-Muslims sa pamamagitan ng pagkakaisa at kooperasyon ng iba’t ibang Islamic organizations at community leaders.
Naging makahulugan din ang programa sa pagdalo ng mga personnel ng Toledo CPS sa pangunguna ni Team Leader PSSg Juarez, na naghatid ng mensahe ng kapayapaan, respeto, pagkakaisa, at maayos na samahan ng lahat anuman ang relihiyon.
Nagtapos ang aktibidad nang mapayapa at matagumpay na puno ng kaalaman, pagkakapatiran, at makabuluhang dawah para sa komunidad.