BPATs, nakiisa sa Neighborhood Watch Program Orientation sa La Trinidad, Benguet

0
viber_image_2026-05-31_12-18-06-663

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT’s) sa isinagawang Neighborhood Watch Program Orientation na ginanap sa Barangay Beckel, La Trinidad, Benguet nito lamang Mayo 28, 2026.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Community Affairs and Development (CAD) Section ng La Trinidad Municipal Police Station, katuwang sina Ms. Victoria Gale Juanito, Community Affairs and Development Officer, at Ms. Hilda Obar, Neighborhood Watch Focal Person kung saan aktibong nakilahok ang mga miyembro ng BPATs opisyal ng barangay at mga residente ng barangay.

Tinalakay ng mga resource speaker ang mga paksa hinggil sa kahalagahan ng Neighborhood Watch Program sa pagpapalakas ng partisipasyon ng komunidad sa pag-iwas sa krimen at pagpapahusay ng kaligtasan ng publiko. Binigyang-diin ng mga tauhan ang mahalagang papel ng aktibong pakikilahok ng komunidad, pagbabantay, at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa loob ng lokalidad.

Bukod pa rito, nagkaroon din panghihikayat at pagtugon sa mga alalahanin sa kaligtasan at pagbuo ng isang ligtas, maayos na kapaligiran para sa lahat.

Samantala, labis nman ang pasasalamat ng mga myembro ng BPATs sa isinagawang aktibidad para mas mapalawak pa ang seguridad sa pagtutulunga ng mga kapulisan, BPATs, at mga residente ng barangay.

Source: Pnp La Trinidad Mps
https://www.facebook.com/share/p/1CY18CsKzo/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *