Kabalikat Patrol, nanguna sa pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral sa Vigan City

0
viber_image_2026-06-07_14-52-13-246

Pinangunahan ng Kabalikat Patrol, katuwang ang Vigan City Police Station, ang pamamahagi ng school supplies sa mga piling mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa Vigan City noong Hunyo 5, 2026.

Nakiisa ang mga tauhan ng Vigan City Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol David G. Dulnuan, DPDO/OIC, upang maisakatuparan ang aktibidad na naglalayong suportahan at bigyang-inspirasyon ang mga kabataang mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan.

Layunin ng programa na makatulong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing gamit sa paaralan, lalo na sa mga nangangailangan, upang mas mapalakas ang kanilang sigla at motibasyon sa pag-aaral sa kabila ng mga hamon sa buhay.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo at kanilang mga magulang sa Kabalikat Patrol at sa Vigan CPS sa ipinakitang malasakit at suporta. Ang naturang inisyatiba ay nagpapakita ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at kapakanan ng kabataan.

Panulat ni PMSg carmela G Danguecan
Source: Vigan CPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *