KKDAT, aktibong nakihalok sa Drug Symposium sa Brgy Buot, Cebu City

0
viber_image_2026-06-07_13-52-05-385

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa Drug Symposium na isinagawa ng Malubog Police Station 12 Barangay Buot, Cebu City noong Hunyo 5, 2026.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa masasamang epekto ng ilegal na droga at kahalagahan ng pakikilahok ng komunidad sa kampanya laban dito.

Sa pakikipagtulungan ng City Office for Substance Abuse Prevention (COSAP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naging makabuluhan ang talakayan para sa mga kabataan at iba pang mga dumalo.

Sa pamamagitan ng kanilang aktibong pakikilahok, muling ipinakita ng KKDAT ang kanilang suporta sa pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *