KKDAT – City of Ilagan Federation, nagsagawa ng Adopt-A-Room Program sa Capellan Elementary School
Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) – City of Ilagan Federation sa Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Adopt-A-Room Program sa Capellan Elementary School, City of Ilagan, Isabela noong Hunyo 4, 2026.
Pinangunahan ng KKDAT–City of Ilagan Federation ang nasabing aktibidad katuwang ang Rotaract Club of Ilagan, 201st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2, Ilagan City Component Police Station, at Sangguniang Kabataan ng Barangay Capellan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, nagsagawa ang mga boluntaryo ng paglilinis at pag-aayos ng mga pasilidad ng paaralan upang makalikha ng ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral. Ipinakita rin ng mga kalahok ang diwa ng bayanihan, paglilingkod, at pakikiisa para sa kapakanan ng mga kabataan at ng komunidad.
Layunin ng programa na makapag-ambag sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng klase at maisulong ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa mga gawaing pangkomunidad.
Patuloy ang KKDAT–City of Ilagan Federation sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang maisulong ang mga programang nakatuon sa edukasyon, at pagpapaunlad para sa mga kabataan.
Source: KKDAT City of Ilagan