Mga mag-aaral sa Calape National High School, nakiisa sa lecture na inilunsad ng mga awtoridad
Matagumpay na nakiisa ang mga mag-aaral sa Calape National High School sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Symposium at Anti-Bullying Lecture ng Calape Municipal Police Station sa Calape National High School sa Barangay Sta. Cruz, Calape, Bohol noong Hunyo 10, 2026.
Pinangunahan nina PLT Brett Dales B. Maslang, Chief of Police, at PMSg Maria Fe M. Pedros, Assistant Investigator ng Calape MPS, ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang banta sa kabataan.
Layunin ng symposium na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa masasamang epekto ng ilegal na droga, kahalagahan ng responsableng pagpapasya sa buhay, at pag-iwas sa bullying.
Binigyang-diin din sa programa ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang paaralan at komunidad.
Hinimok din ng mga awtoridad ang mga kalahok, kabilang ang mga miyembro ng KKDAT, na maging mabubuting halimbawa at tagapagtaguyod ng kampanya laban sa ilegal na droga upang makatulong sa paghubog ng isang mas ligtas at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.