World Blood Donors Day 2026, isinakatuparan sa Virac, Catanduanes

0
viber_image_2026-06-12_03-11-49-170

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day 2026, aktibong nakiisa ang mga personnel ng Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa isinagawang blood donation activity ngayong Hunyo 11, 2026.

Ang nasabing pagdalo ay pinangunahan ni PSSg Vincent Clarence T Taule, kasama ang mga personnel ng Catanduanes 1st PMFC sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL ROMEL T SANTOS, Force Commander.

Naging matagumpay ang programa sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at pakikipagtulungan sa Local Government Unit (LGU) of Virac at sa Municipal Health Office (MHO) ng Virac.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan at mapalaganap ang kamalayan sa kahalagahan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo bilang isang makataong gawain na maaaring makapagligtas ng buhay.

Patuloy namang ipinapakita ng Catanduanes PNP ang kanilang suporta sa mga programang pangkalusugan at pangkomunidad bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa paglilingkod sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *