KKDAT leaders at advisers, nagkaisa para sa mas pinatibay na programang pangkabataan sa Ilocos Norte

0
viber_image_2026-07-06_16-14-37-307

Nagtipon ang mga KKDAT Provincial Officers, Board of Directors, City at Municipal KKDAT Presidents, kasama ang kanilang mga KKDAT Advisers, sa isang pagpupulong na naglalayong patatagin ang samahan at higit pang palakasin ang mga programang nagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad na ginanap sa Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO), Laoag City, Ilocos Norte noong Hulyo 5, 2026.

Sa naturang pagtitipon, tinalakay ang mga plano, programa, at mga inisyatibang nakatuon sa pagpapalawak ng partisipasyon ng kabataan sa mga gawaing pangkomunidad, partikular sa kampanya laban sa ilegal na droga, kriminalidad, at iba pang banta sa kapayapaan at kaayusan.

Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng bawat KKDAT leader at adviser sa paghikayat sa mas maraming kabataan na maging aktibong katuwang ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at disiplina sa kani-kanilang mga pamayanan.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at patuloy na pagtutulungan ng mga opisyal at advisers ng KKDAT, inaasahang mas mapapalakas pa ang mga programang naglalayong hubugin ang mga kabataan bilang responsableng mamamayan at aktibong katuwang sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan.

Source: KKDAT Ilocadia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *