Feeding at Gift Giving Activity, isinagawa sa sa Bulan, Sorsogon
Naghatid ng saya at pag-asa ang Sorsogon 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) matapos magsagawa ng Feeding Program at Gift Giving Activity para sa mga mag-aaral ng Kindergarten ng M. Roxas Elementary School sa Brgy. M. Roxas, Bulan, Sorsogon noong Hulyo 15, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month.
Sa nasabing aktibidad, nabigyan ng masustansyang pagkain at mga school supplies ang mga batang mag-aaral upang suportahan ang kanilang kalusugan at pag-aaral.
Layunin din nitong maipadama ang malasakit ng kapulisan sa kabataan at higit pang mapalalim ang ugnayan ng Philippine National Police at ng komunidad.
Ang outreach program ay naisakatuparan sa pamamagitan ng suporta ng Association of Police Officers via Lateral Entry (APOLE) sa pangunguna ni PMaj Jorden V. Gutay, Pangulo ng APOLE PRO 5.
Pinangunahan naman ang koordinasyon ng programa nina PMaj Ronaldo V. Guiriba, APOLE Region 5 Treasurer at PCpt Edwin L. Dela Fuente, APOLE member at Deputy Force Commander ng Sorsogon 2nd PMFC.

Naging matagumpay ang programa sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng M. Roxas Elementary School sa pangunguna ni G. Luisito J. Gueta, School Principal, na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta ng PNP sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Ayon sa Sorsogon 2nd PMFC, ang nasabing aktibidad ay higit pa sa simpleng pamamahagi ng pagkain at school supplies.
Isa itong konkretong pagpapakita ng dedikasyon ng Philippine National Police sa pagsusulong ng makabuluhang serbisyo publiko, pagpapatibay ng police-community partnership, at pagtataguyod ng kapakanan ng mga kabataan.
Patuloy na isinusulong ng PNP ang mga programang nakatuon sa malasakit, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng komunidad bilang bahagi ng layunin nitong makabuo ng isang mas ligtas, mas maunlad, at mas mapayapang pamayanan alinsunod sa bisyon ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos
Source: https://www.facebook.com/share/p/1BwCRnD6XD/