Drug Symposium, isinagawa para sa mga mag-aaral sa Samboan, Cebu

0
viber_image_2026-07-17_14-02-27-212

Nagsagawa ang Samboan Municipal Police Station ng Drug Symposium para sa mga mag-aaral ng Pedro B. Uy Calderon Memorial High School noong Hulyo 16, 2026. sa Samboan, Cebu.

Pinangunahan ni PMAJ Niño Lawrence D Ibo, Acting Chief of Police ng Samboan MPS ang aktibidad upang palawakin ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga at hikayatin silang mamuhay nang responsable at malayo sa bisyo.

Sa isinagawang talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikiisa ng kabataan sa pagpapanatili ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad.

Patuloy ang Samboan MPS sa pagsasagawa ng mga information and awareness campaign katuwang ang mga paaralan upang maisulong ang responsableng mamamayan at mas matatag na ugnayan ng pulisya at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *