Katarungang pambarangay lecture? isinikatuparan sa Barangay Bogña, Legazpi City
Nakiisa ang Legazpi City Police Station bilang resource speaker sa Annual Meeting and Gathering ng mga Barangay Tanods, Lupon Tagapamayapa, at mga opisyal ng Barangay Bogña, Lungsod ng Legazpi, ngayong umaga, Hulyo 18, 2026.
Pinangunahan nina PEMS Herwin Balonzo at PCMS Joel Buen, mga imbestigador ng Legazpi CPS, ang lecture kung saan tinalakay ang mahahalagang probisyon ng Katarungang Pambarangay, kabilang ang wastong paghawak ng mga alitan sa komunidad at ang mahalagang papel ng mga Barangay Tanods at Lupon Tagapamayapa sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinagtitibay ng Legazpi CPS ang pakikipag-ugnayan sa mga barangay upang mapalakas ang community partnership at maisulong ang mas epektibong pagpapatupad ng batas tungo sa isang mas ligtas at mapayapang Lungsod ng Legazpi.