Mga miyembro ng BPAT sa Brgy. Ganzano, pinalakas ang kasanayan sa Capability Enhancement Training

0
viber_image_2026-07-21_09-34-21-334

Matagumpay na isinagawa ang Capability Enhancement Training para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Brgy. Ganzano, Gattaran, Cagayan noong Hulyo 17, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month.

Pinangunahan ni PLt Charlie M. Cagayan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC) ang nasabing aktibidad. Naging resource speaker din si PCpl Wilmer C. Corpuz, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman hinggil sa kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo sa ilalim ng Project ALERT (Awareness Lecture to End War on Terrorism and Illegal Drugs).

Tampok sa pagsasanay ang mga lecture tungkol sa Basic Arresting Techniques, Citizen’s Arrest, mga tungkulin at responsibilidad ng BPAT, at kampanya laban sa loose firearms upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng mga kalahok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang barangay. Tinalakay rin ang masasamang epekto ng ilegal na droga at terorismo, gayundin ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at maagap na pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang maiwasan ang anumang banta sa seguridad ng komunidad.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapaunlad ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga miyembro ng BPAT bilang pangunahing katuwang ng kapulisan sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Patuloy na isinusulong ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ang mga programang nagpapalakas sa police-community partnership sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay at information awareness activities para sa mga force multiplier, alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na naglalayong makapaghatid ng mabilis, tapat, at makataong serbisyo habang isinusulong ang isang ligtas, mapayapa, at matatag na pamayanan.

Source: PNP 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *