Mahigit 100 benepisyaryo, natulungan sa Outreach Activity ng Masbate PPO kasama ang OLCFI–Masbate at iba pa

0
viber_image_2026-07-22_11-54-19-206

Mahigit 100 residente ng Brgy. Baybay Dagat, San Fernando, Masbate ang nabigyan ng iba’t ibang serbisyo at tulong sa isinagawang Outreach Program ng Masbate Police Provincial Office noong Hulyo 21, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-31 Police Community Relations (PCR) Month.

Pinangunahan ni PCOL JEFFERSON B ARAOJO, Provincial Director ng Masbate PPO, ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng OLCFI–Masbate, MAGPTD, at ng mga opisyal at functionaries ng Barangay Baybay Dagat.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kapulisan, mga katuwang na organisasyon, at ng lokal na pamahalaan, matagumpay na naihatid ang iba’t ibang serbisyong nagbigay ng kaginhawahan at pag-asa sa mga benepisyaryo.

Patunay ang outreach activity na ito sa patuloy na pagsisikap ng Masbate PPO na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng makabuluhang programang may malasakit at tunay na serbisyo publiko.

Kaakibat nito ang pagsusulong ng diwa ng bayanihan, pagtutulungan, at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Sa Masbate PPO, nananatiling pangunahing layunin ang maging katuwang ng bawat pamayanan sa pagbuo ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad—isang serbisyong tunay na nararamdaman ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *