SPAG Region 2, pinagtibay ang pagkakaisa at pakikipagtulungan para sa kapayapaan
Matagumpay na isinagawa ang Salaam Police Advocacy Group (SPAG) Regional Summit and Orientation Seminarsa Alicia Community Center, Alicia, Isabela noong Agosto 15, 2026, na nilahukan ng mga miyembro at delegado ng SPAG mula sa iba’t ibang panig ng Region 2.
Pinangunahan ni Jalil Macadatu, SPAG Alicia Chapter President, ang aktibidad, kasama sina PtCol Jomar F Julian, Chief, PCADU; Felix V Mendoza, Chief of Police ng Alicia PS; mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Alicia; Zinodin Alangadi “Bong” Esmael, SPAG Region 2 Regional President; at Engr. Yusop A. Macabada, SPAG National President.
Tampok sa pagtitipon ang orientation hinggil sa organizational structure, mission, vision, core values, at mga responsibilidad ng mga miyembro ng SPAG.
Isinagawa rin ang oath-taking at renewal of commitment ng mga miyembro bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na dedikasyon sa pagsuporta sa mga programa ng kapulisan at sa kapakanan ng komunidad.
Layunin ng aktibidad na higit pang mapatatag ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga miyembro ng SPAG bilang katuwang ng kapulisan sa pagsusulong ng police-community partnership, kapayapaan, kaligtasan, at kaunlaran ng komunidad, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP Isabela