Estudyante ng Calantas NHS, nakiisa sa Crime Prevention at Public Safety Campaign ng Macalelon Cops
Nakiisa ang mga estudyante ng Calantas National High School sa Crime Prevention at Public Safety Lecture ng mga tauhan ng Macalelon Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuni ni Police Major Edmond O. Capistrano, Acting Chief of Police.
Nakatuon ang aktibidad sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa crime prevention, public safety, at pagiging mapagmatyag ng mga mag-aaral at school personnel.
Binigyang-diin din ng kapulisan ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at komunidad upang mapanatili ang ligtas at mapayapang kapaligiran sa paaralan.
Nakatulong ang aktibidad sa higit pang pagpapalakas ng police-community relations at pagsuporta sa Anti-Criminality Campaign ng PNP tungo sa pagkamit ng isang payapa at maunlad na pamayanan.