BPAT members sa Brgy. Cumao, pinalakas ang kaalaman sa peace and order

0
viber_image_2026-09-02_13-04-26-229

Nagsagawa ang 2nd Maneuver Platoon (MFP), 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC), sa pangunguna ni PMSg Reynante Evangelista, ng lecture para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa Barangay Cumao, Gattaran, Cagayan noong Agosto 30, 2026, upang higit na mapalakas ang kanilang kaalaman at kahandaan sa pagpapanatili ng peace and order sa komunidad.

Tinalakay ni PCpl Wilmer C. Corpuz, PCR PNCO, ang mahahalagang paksa kabilang ang wastong pamamaraan ng pag-aresto, citizen’s arrest, at mga tungkulin at responsibilidad ng BPAT bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa kanilang lugar.

Bahagi rin ng lecture ang Project ALERT, kung saan tinalakay ang kampanya laban sa ilegal na droga. Hinikayat ang mga kalahok na manatiling mapagmatyag at agad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang maipaabot ang anumang impormasyon hinggil sa kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay-kaalaman at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad, isinusulong ng kapulisan ang isang mas ligtas at mapayapang pamayanan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *