Medical at dental mission, inilunsad sa Daraga, Albay
Muling naglunsad ng Medical at Dental Mission ang SM Foundation, Inc., katuwang ang Regional Medical and Dental Unit 5 ng PNP Bicol Region at ang Municipal Government of Daraga, ngayong September 2, 2026, sa Daraga Covered Court, Daraga, Albay.
Masigasig na nakiisa sa programa ang Police Regional Office 5 (PRO5), sa pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director.
Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng libreng serbisyong medikal at dental sa humigit-kumulang 1,000 benepisyaryo mula sa mga barangay ng Kimantong, San Roque, Ilawod, at Market Site.
Nakibahagi rin sa naturang programa ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB 5) na naghandog ng libreng gupit bilang karagdagang serbisyo para sa mga dumalo.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at matibay na ugnayan sa mga pribado at pampublikong institusyon, patuloy na isinusulong ng PNP Region 5 ang serbisyong mabilis, tapat, at tunay na nararamdaman ng bawat mamamayan.