Community Outreach Program, muling umarangkada sa El Nido, Palawan

0
viber_image_2026-09-06_10-45-46-574

Muling umarangkada ang isang Community Outreach Program sa Barangay Bebeladan sa bayan ng El Nido, Palawan kung saan nanguna ang mga tauhan ng 2nd Platoon, 2nd Palawan PMFC sa pagsasagawa ng Libreng Gupit para sa mga kabataan sa naturang komunidad.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng libreng serbisyo sa mga batang benepisyaryo at maitaguyod ang kalinisan, wastong personal grooming, at pagiging presentable ng mga ito. Naging pagkakataon din ang naturang aktibidad upang higit na mapalapit ang kapulisan sa komunidad at maipakita ang malasakit nito sa kapakanan ng mga kabataan.

Ang pagsasagawa ng Libreng Gupit ay bahagi ng pakikiisa ng 2nd Platoon sa Community Outreach Program na inorganisa ng El Nido Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Bebeladan, na kinabibilangan din ng pamamahagi ng school supplies sa mga daycare pupils at feeding program.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad naging matagumpay ang programa kung saan mas napalakas pa ang ugnayan ng pamahalaan at ng buong pamayanan partikular na sa pagsasagawa ng mga inisyatibong nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng lahat ng mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *