Mga residente sa Guihulngan, Negros Oriental, nakiisa sa inilunsad na Pulong-Pulong

0
viber_image_2026-09-06_10-45-43-189

Nakiisa ang mga residente Brgy. Linantoyan, Guihulngan City, Negros Oriental sa inilunsad na Pulong-Pulong (Short Dialogue) nito lamang umaga ng September 5, 2026.

Nanguna sa aktibidad ang mga awtoridad sa pamamagitan ng 4th Mobile Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company, sa pamumuno ni PLT LUCERMINDO D BANAYLO JR., Platoon Leader, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL NELSON P AMSIWEN JR.

Layon ng aktibidad na ipaliwanag ang mga magagandang adbokasiya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) naging ang mga kampanya ng pamahalaan kontra insurhensya at terorismo.

Tinalakay din ng mga awtoridad ang mga usaping mag kaugnayan sa anti-illegal drugs advocacy, crime prevention tips, public awareness kaugnay sa Anti-Rape Law (RA 8353), MAKABATA Helpline 1383, ang SAFE NIR Dial 911, misinformation awareness, at iba pang mga public safety at anti-criminality concerns.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *