PRO-NIR at MRP delegates, nagkaisa para sa kapayapaan at kaayusan sa Negros Island Region

0
viber_image_2026-09-08_13-22-59-364

Pinagtibay ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) ang pakikipagtulungan nito sa mga representatives ng Moral Recovery Program (MRP) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang police-community partnership at isulong ang kapayapaan, seguridad, pagkakaisa, at mabuting pagpapahalaga sa komunidad.

Sa pangunguna ni PBGEN ROMANO V CARDIÑO, Regional Director, PRO NIR, tinanggap ng Regional Office ang delegasyon ng Moral Recovery Program (MRP) na pinamumunuan ni Ms. Mary Grace S. Pasigado, Convenor and Life Coach of MRP kasama ang Murcia United Christian Churches, Inc., sa isang courtesy call na isinagawa noong Setyembre 4, 2026, sa Maringal Conference Hall, Camp Montelibano, Bacolod City.

Layunin ng nasabing engagement na higit pang mapaigting ang kooperasyon at koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at mga faith-based organizations sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palakasin ang moral values, disiplina, integridad, pagkakaisa, at responsableng pakikilahok ng mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Kinikilala ng PRO-NIR ang mahalagang papel ng MRP sa moral at values formation ng hanay, partikular sa pagsusulong ng positibong pananaw, mabuting asal, malasakit sa kapwa, at pagiging responsableng bahagi ng lipunan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, inaasahang higit pang mapalalakas ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa kanilang mahalagang papel sa crime prevention, peace and order, at community development.

Samantala, binibigyang-diin ng PRO NIR na ang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ay isang shared responsibility na nangangailangan ng aktibong pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga religious organizations at iba pang community stakeholders, mas mapapalawak ang abot ng mga programa ng kapulisan at higit pang mapagtitibay ang tiwala at ugnayan nito sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *