Barangay Council at R-PSB Team, magkatuwang sa pagpapaigting ng police visibility sa Cataban, Taytay, Palawan
Screenshot
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng police visibility at pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa komunidad, nagsagawa ng police visibility activity ang R-PSB Team ng 2nd Palawan PMFC, katuwang ang Barangay Council ng Barangay Cataban sa pangunguna ni Hon. Yolanda A. Tumampil, Punong Barangay, mula 9:00 PM hanggang 11:00 PM nito lamang September 6, 2027 sa Barangay Cataban, Taytay, Palawan.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang presensya ng kapulisan at barangay officials sa mga pangunahing lugar ng barangay, partikular sa oras ng gabi, bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang mga insidente ng krimen at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Sa isinagawang police visibility, nagsagawa ang R-PSB Team at Barangay Council ng regular na pag-iikot at pagmamasid sa mga strategic areas at pangunahing kalsada ng barangay. Naging bahagi rin ito ng patuloy na koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at lokal na pamahalaan upang agad na matukoy at matugunan ang anumang concern na may kaugnayan sa peace and order at public safety.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng aktibong pakikiisa ng Barangay Council sa mga programa ng kapulisan, partikular sa pagpapatupad ng community-oriented policing at pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng kapulisan at komunidad, sama-samang naisusulong ang isang ligtas, mapayapa, at maayos na Barangay Cataban.