Sto. Tomas MPS, BPATs at Force Multipliers, nagkaisa para sa kaligtasan ng komunidad

0
894839640_1588933866611248_1559760110302432639_n

 

Nagkaisa ang mga tauhan ng Sto. Tomas Municipal Police Station (Sto. Tomas MPS), Pampanga Police Provincial Office (PPO), PRO3, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ NARCISO S. ZINGALAWA JR., Chief of Police, kasama ang mga miyembro ng BPATs ng Barangay San Vicente at mga Force Multipliers mula sa KING EAGLES GUARDIANS, ng Beat/Foot Patrolling sa Barangay San Vicente, Sto. Tomas, Pampanga noong Nobyembre 7, 2026.

Layunin ng aktibidad na maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa nasabing bayan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagpapatrolya, pinalalakas ang presensya ng kapulisan sa komunidad at ang pakikipagtulungan sa mga barangay tanod at iba pang force multipliers upang mas maging maagap sa pagtugon sa mga usaping pangseguridad.

Kasabay nito, hinikayat ng mga tauhan ng himpilan ang publiko na suportahan at gamitin nang wasto ang Unified 911 Emergency Hotline bilang pangunahing paraan ng paghingi ng agarang tulong sa oras ng pangangailangan.

Patuloy na isinusulong ng Sto. Tomas MPS ang aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *