Oplan linis kontra dengue, isinagawa sa Legazpi

0
e3

Tulong-tulong ang mga residente at kapulisan sa pagsasakatuparan sa Oplan Linis kontra dengue nito lamang September 26, 2026 sa Barangay Puro, Legazpi City, Albay.

Bahagi sa aktibidad ang Police Regional Office 5 (PRO 5), sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G. SILVIO, kung saan nakiisa ang hanay sa pagsasagawa ng cleanup at clearing activities, katuwang ang mga lokal na stakeholder at residente, upang alisin ang mga posibleng pamugaran ng lamok na Aedes, kabilang ang stagnant water, mga kanal, alulod, lumang gulong, paso at iba pang lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.

Isinagawa ang aktibidad sa Barangay Puro dahil sa naiulat na mataas na bilang ng dengue cases sa lugar.

Kasabay nito, nagsagawa rin ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) ng information and education campaign at namahagi ng IEC materials tungkol sa dengue prevention, tamang pagtatapon ng basura at pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Hinikayat naman ng grupo ang mga residente na regular na linisin ang kanilang paligid at agad alisin ang anumang maaaring pamugaran ng lamok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *