Family Tree Planting Activity, isinagawa sa ika-37 Founding Anniversary ng Pangasinan 2nd PMFC

0
e4

Bilang pagdiriwang ng ika-37 Founding Anniversary, nagsagawa ang Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Family Tree Planting Activity noong Setyembre 26, 2026 sa Camp Narciso Rueca Ramos.

Sa pangunguna ni PLtCol Richard Q. Agrade, Force Commander, sama-samang nagtanim ng mga puno ang mga tauhan ng 2nd PMFC kasama ang kanilang mga pamilya bilang simbolo ng pagkakaisa, malasakit sa kalikasan, at patuloy na paglago ng kanilang paglilingkod sa bayan.

Binigyang-pugay din sa aktibidad ang mahalagang papel ng mga pamilya sa likod ng bawat pulis.

Sa loob ng 37 taon, naging katuwang sila sa mga sakripisyo mula sa mahabang oras ng serbisyo at pagkakalayo sa pamilya hanggang sa pag-unawa sa mabibigat na tungkuling kaakibat ng pagiging alagad ng batas.

Ang bawat punlang itinanim ay sumisimbolo sa serbisyong pinatatag ng pamilya, pagkakaisang hinubog ng sakripisyo, at pamana ng paglilingkod na patuloy na lalago para sa susunod na henerasyon.

Source: Pangasinan 2nd PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *