Presensya ng pulis sa mga paaralan sa Bogo City, pinaiigting
Patuloy na pinaiigting ng mga miyembro ng Bogo City Police Station ang presensya ng kapulisan sa loob at paligid ng mga paaralan sa pamamagitan ng regular na pagpapatrolya, pagbisita, at pagmamanman upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante, guro, at mga kawani ng paaralan.
Sa pamamagitan ng aktibong presensya ng kapulisan at maayos na pakikipag-ugnayan sa mga school authorities, patuloy nating sisikaping mapanatili ang isang mapayapa, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Ang pagtutulungan ng kapulisan, paaralan, at komunidad ay mahalaga upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.