3 PWDs sa San Fernando, tumanggap ng Wheelchair

0
viber_image_2026-10-01_20-16-54-906

Tatlong persons with disabilities (PWDs) mula sa Barangay Cadaclan, Cabaroan, at Dallangayan Este ang tumanggap ng wheelchair sa isinagawang Wheelchair Distribution Activity ng City of San Fernando Police Station katuwang ang Rotary District 3790 noong Setyembre 30, 2026.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng tulong sa pagkilos ang mga benepisyaryo, maisulong ang inklusibong komunidad, at makatulong sa pagpapagaan ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ipinakita rin ng programa ang patuloy na pakikipagtulungan ng kapulisan sa mga pribadong organisasyon upang maihatid ang makabuluhang serbisyo sa mga nangangailangan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *