BPATs at Kapulisan, kaisa sa pagpapatibay ng ugnayan sa mga negosyo at pagpapanatili ng seguridad
Patuloy na pinagtitibay ng mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at ng Meycauayan City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL MELVIN M. FLORIDA JR., Chief of Police, ang ugnayan sa mga lokal na negosyante upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad nito lamang madaling araw ng Biyernes, Oktubre 9, 2026.
Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagtutulungan, layunin ng inisyatibong ito na mapalakas ang seguridad sa mga establisimyento, maiwasan ang mga insidente ng krimen, at matiyak ang kaligtasan ng mga negosyante, mamimili, at mamamayan.