PRO 5 at Rapide 1, nagsagawa ng outreach program para sa mga kabataan ng Catanduanes

0
viber_image_2026-10-24_09-00-59-981

Patuloy na pinatitibay ng Police Regional Office 5 (PRO 5) ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng malasakit, pagkakaisa, at serbisyong may puso. Noong Oktubre 21, 2026, nagsagawa ng outreach program ang Virac Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Rapide 1, Kabataan Kontra Kriminalidad (KKK), at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Virac Chapter, upang maihatid ang tulong at maipadama ang suporta sa mga kabataan ng Catanduanes.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang diwa ng bayanihan at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga gawaing pangkomunidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kapulisan, pribadong sektor, at mga organisasyon ng kabataan, higit na napalalawak ang mga inisyatibang naglalayong isulong ang kapakanan ng mamamayan at makapagbigay ng positibong ambag sa lipunan.

Bahagi rin ang naturang programa ng pagsusulong ng Community Support sa ilalim ng PNP Focused Agenda at kaakibat ng Project Alagang KA-SU-ROG (KA – Kapamilyang ituring ang komunidad; SU– Suportang tapat at nararamdaman; at ROG – Respondeng mabilis, Obligasyong may puso, at Gabay ng mamamayan), na naglalayong maghatid ng serbisyong nakasentro sa pangangailangan ng komunidad. Ipinakikita ng inisyatibang ito na ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay hindi lamang nakasalalay sa kapulisan, kundi nangangailangan din ng pakikiisa at pananagutan ng bawat sektor ng lipunan, lalo na ng kabataan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Randy Glenn G. Silvio, Regional Director ng PRO 5, patuloy na isinusulong ng kapulisan ang makatao at makabuluhang paglilingkod sa mamamayan. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, higit na pinatitibay ang tiwala ng publiko, pinalalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, at hinihikayat ang mga kabataan na maging aktibong katuwang sa pagbuo ng isang ligtas, maayos, at nagkakaisang pamayanan.

Source:
https://www.facebook.com/share/p/1EibtVWbNK/
Sa panulat ni: PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *