Iriga cops, nagsagawa ng Drug Abuse Prevention and Awareness Seminar sa Bargy. Santiago

0
viber_image_2026-10-25_09-00-58-400

Nagsagawa ang Iriga City Police Station ng Drug Abuse Prevention and Awareness Seminar noong Oktubre 23, 2026, sa Barangay Santiago, Iriga City upang palawakin ang kaalaman ng mga opisyal ng barangay tungkol sa pag-iwas sa pag-abuso sa droga, kaligtasan, at pagsunod sa batas. Sa pangunguna ni PLtCol Jeric Don P. Sadia, Chief of Police, nagsilbing tagapagsalita sina PMSg Reylan A. Gumapad at PSSg Jeffrey V. Orbon.

Tinalakay sa seminar ang kamalayan tungkol sa ilegal na droga, mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, mga paraan ng pag-iwas sa krimen, at mga paalala para sa kaligtasan ng mamamayan. Layunin ng talakayan na higit na maunawaan ng mga kalahok ang masasamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at ang kahalagahan ng pag-iwas sa mga gawaing labag sa batas.

Ipinaliwanag din sa aktibidad ang mga usaping maaaring lutasin sa pamamagitan ng Katarungang Pambarangay (KP), gayundin ang wastong proseso sa pagresolba ng mga sigalot na saklaw nito. Sa ganitong paraan, layunin ng kapulisan na mapalawak ang kaalaman ng mga opisyal ng barangay sa mga umiiral na batas at mahikayat ang mapayapa at maayos na pag-aayos ng mga alitan alinsunod sa itinakdang proseso.

Binigyang-diin ng Iriga City Police Station ang kahalagahan ng patuloy na pakikipagtulungan sa mga opisyal ng barangay at iba pang sektor ng pamayanan upang higit na mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad. Sa pamamagitan ng mga gawaing pang-edukasyon at pakikipag-ugnayan sa komunidad, patuloy na isinusulong ng kapulisan ang kamalayan, pananagutan, at aktibong pakikilahok ng mamamayan tungo sa isang ligtas, mapayapa, at malaya sa ilegal na droga na pamayanan.

Source:
https://www.facebook.com/share/1CJqPBeDaZ/
Sa panulat ni: PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *