Mayoyao MPS, nagsagawa ng community Outreach Program sa mga mag-aaral sa Barangay Mongol
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang komunidad ng Barangay Mongol, kasama ang mga guro, kawani, at mag-aaral ng Mongol Primary School, sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), partikular sa Mayoyao Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPT Robles A. Panitew, sa pagsasagawa ng outreach activity sa kanilang paaralan.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, nagdulot ng malaking kasiyahan, pag-asa, at inspirasyon sa mga mag-aaral at residente ang pagbisita ng mga pulis. Binigyang-diin din nila na ang ganitong mga programa ay patunay ng patuloy na pagsusulong ng PNP sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” na naglalayong maihatid ang makabuluhang serbisyo publiko maging sa mga liblib at malalayong komunidad.

Nagpasalamat din ang komunidad kay Sir Love Singh at sa buong hanay ng mga pulis sa kanilang oras, pagsisikap, at malasakit na ipinakita sa mga bata at paaralan. Ayon sa kanila, mananatiling mahalagang alaala ang mga ngiti at saya na hatid ng aktibidad, gayundin ang suportang ipinagkaloob ng mga pulis sa kanilang komunidad.