15 pulis sugatan sa gitgitan sa ASEAN protest; NCRPO, nagbabala ng kaso
Mananagot sa batas ang mga indibidwal na nanakit sa 15 pulis sa sumiklab na komosyon sa Liwasang Bonifacio noong Nobyembre 15, 2026, kasabay ng 49th ASEAN Summit.
Tiniyak ni NCRPO Acting Regional Director PBGen. Christopher N. Abrahano na kasalukuyan nang nangangalap ng mga video at ebidensya ang kapulisan upang kasuhan ang mga responsable. Bagama’t nakabalik na sa serbisyo ang mga nasugatang pulis, iginiit ng heneral na hindi punching bag ang mga alagad ng batas at hindi saklaw ng karapatan sa mapayapang pagtitipon ang paggawa ng karahasan.
Kasabay ng babala sa mga lumalabag sa batas, pinaalalahanan din ni PBGen Abrahano ang mga pulis na manatiling propesyonal at pairalin ang maximum tolerance sa buong panahon ng summit.