Faith Based Advocacy Group, nagsagawa ng Awareness Lecture
Nagsagawa ng Awareness Lecture ang Faith Based Advocacy Group sa pangunguna ni Pastor Elpie Carag katuwang ang Enrile Police Station sa mga opisyales ng barangay at residente ng Brgy.

Lanna, Enrile, Cagayan noong ika-2 ng Oktubre 2024. Nagbahagi ng kaalaman si Pastor Carag ukol sa Revitalized Kasimbayanan at pinalalahanan ang bawat isa na anumang hakbang at desisyon ang tatahakin sa araw-araw ay laging hingin ang gabay ng Panginoon.
Ayon pa sa butihing Pastor dapat ang kapulisan, simbahan at pamayanan ay magtulungan upang matagumpay na maipatupad ang mga batas at programa para sa kabutihan at kapakanan ng lahat.
Nagkaroon din ng magandang interaksyon sa aktibidad ang mga opisyales ng barangay at residenteng dumalo.
Layunin ng aktibidad na itaas ang moral at espirituwal na kapakanan ng bawat miyembro ng lipunan, kapulisan at simbahan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa para sa pag-iwas sa mga krimen na nakatuon sa mas ligtas at mapayapang pamayanan.