LGU Lagayan at Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach/Gift Giving Activity

Aktibong nakilahok ang LGU Lagayan, MSWD at Women’s Association (Advocacy Support Group) sa isinagawang Community Outreach Program at Gift Giving Activity ng mga tauhan ng Lagayan Municipal Police Station, Abra PPO, para sa mga mag-aaral ng Lagayan Central School, Poblacion Lagayan Abra nito lamang Miyerkules ika-13 ng Nobyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PCMS Junia L Talingdan, Chief PCR PNCO sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Israel P Pangwi, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon, katuwang si Hon. Edmarc L Crisologo, Mayor ng Lungsod.

Labis namang ikinatuwa ng mga benepisyaryo sa libreng serbisyo na kanilang natanggap. Ito ay kaugnay sa National Children’s Month Celebration at naglalayong makapaghatid ng tulong sa mga kababayan na nangangailangan lalo na sa mga liblib at malalayong lugar.

Patuloy ang Pamahalaan at Pambansang Pulisya at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa kanilang nasasakupan lalo na sa usaping pangkalusugan, upang magkaroon ng mas maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *