Local Government Unit ng Eastern Samar, pinangunahan ang pag-repack ng mga relief goods
Nagsagawa ang Local Government Unit ng Eastern Samar ng repacking ng mga relief goods na ipapamahagi para sa mga pamilyang naapektuhan ng super typhoon “PEPITO” sa San Policarpo Municipal Building, Eastern Samar nito lamang Sabado, ika-16 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit kasama ang San Policarpo Municipal Police Station, 1st Eastern Samar PMFC, Philippine Coast Guard (PCG) at mga barangay officials.
Sa pamamagitan nito maibibigay ang kinakailangang suporta para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Layunin nitong maipakita at maipadama ang malasakit at tulong sa mamamayan na lubos na nangangailangan sa panahon ng kalamidad at sakuna.