Mangrove Tree Planting isinagawa sa Misamis Oriental

0
462567349_1033346385228041_6441117941816040722_n

Nagsagawa ng Mangrove Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Climbs Cares sa Pangayawan, Gitagum, Misamis Oriental nitong ika-30 ng Nobyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Climbs Cares katuwang ang Kusgan Volunteers Inc. at Lokal na Pamahalaan ng Gitagum. Sa nasabing aktibidad ay nakapagtanim ng nasa 150 mangrove seedlings.

Layunin nito na mapanatili ang balanse sa ekolohiya at magbigay ng pangmatagalang proteksyon at benepisyo para sa mga tao at kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *